NAGA CITY- Patay ang isang indibidwal habang sugatang rin ang apat iba pa matapos na mabangga ang isang isang pick up sa isang van sa Purok-1, Barangay San Vicente, Sta Elena, Camarines Norte.

Kinilala ang binawian ng buhay na si alyas Tope, 47-anyos, driver ng van at residente ng 544, Lucero St, Kanluran, Poblacion, Sta. Rosa, Laguna, habang ang mga sugatan na sina alyas Toto, 64-anyos, driver ng pick up at tatlo nitong pasahero.

Ayon kay PCpt. Noel Arimado, Deputy Chief of Police ng Sta. Elena Municipal Police Station, na habang binabaybay ng van na pinag mamaneho ni alyas Tope ang kahabaan ng naturang lugar papuntang Metro Manila ng mabangga ito ng kasalubong na pick up matapos na kainin nito ang kabilang linya ng kalsada.

Samantala, ayon naman sa driver ng naturang pickup nakaidlip ito at nalaman na lang nito na sumalpok na pala ito sa nasabing van.

Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan ang mga sakay ng pick up at ang driver ng van.

Nahirapan pa umano silang alisin sa loob ng van ang nasabing driver ng van dahil naipit pa ito na naging rason rin ng kanyang pagkamatay.

Aga rin na dinala sa ospital ang mga sangkot na indibidwal para sa asistensya medikal ngunit sa kasamaang palad, ay tuluyang binawian ng buhay si Alyas Tope.

Sa ngunyan ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.

Paalala na rin ng opisyal na palaging i-check ang mga sasakyan bago bumyahe at kung nakakaramdam umano ng atok o pagod ay mas mainam na gumilid muna sa kalsada at magpahinga upang makaiwas sa kahalintulad na insidente.