Muling nakapagtala ng makasaysayang tagumpay ang Filipina tennis star na si Alex Eala matapos umakyat sa ika-15 puwesto sa pinakabagong talaan ng Women’s Tennis Association (WTA), ang pinakamataas na ranggo niya sa buong karera.

Mula sa dating ika-19 na puwesto na kalauna’y naging ika-17, umangat pa ng dalawang puwesto si Eala matapos makapasok sa finals ng 2026 Hong Kong Open.

Sa edad na 21, siya na ang may pinakamataas na ranggo sa mga manlalaro mula sa Timog-Silangang Asya at pangalawa naman sa buong Asya. Nalampasan din niya sa talaan ang apat na beses na kampeon sa Grand Slam na si Naomi Osaka ng Japan.

Sa pinakabagong talaan, nakapagtala si Eala ng 2,392 puntos.

Advertisement

Mula sa ika-53 puwesto sa pagsisimula ng taon, umakyat si Eala ng 38 puwesto matapos lumahok sa 29 na torneo at masungkit ang una niyang kampeonato sa WTA Tour sa Washington, D.C.

Advertisement