Nagpaabot ng pagbati si Presiding Judge Senador Chiz Escudero kina Defense Counsel Atty. Michael Poa at House Prosecution member Rep. Chel Diokno dahil sa naging maayos at organisadong paglalahad ng mga argumento ng kani-kanilang panig sa isinagawang pagdinig.

Ayon kay Escudero, kapansin-pansin ang mahinahon at sistematikong pagpapaliwanag ng dalawang kampo sa kanilang mga posisyon kaugnay ng mga isyung tinatalakay sa komite.

Pinuri rin ng presiding judge ang paraan ng paglalahad ng mga legal na argumento ng depensa at prosekusyon, na aniya ay nakatulong upang maging malinaw ang mga puntong inihaharap ng bawat panig.

Binigyang-diin ni Escudero ang kahalagahan ng maayos na palitan ng mga argumento upang matiyak na ang bawat mosyon at usapin ay masusing mapag-aaralan bago maglabas ng anumang desisyon ang komite.

Advertisement

Samantala, nagpapatuloy ang pagdinig habang tinatalakay ng mga miyembro ng komite ang mga nakabinbing mosyon na inihain ng magkabilang panig.

Advertisement