Nananatiling kanselado ang mga flight sa iba’t ibang paliparan sa buong Estados Unidos ilang oras matapos ipatupad ang nationwide ground stop, kung saan hindi pa rin pinahihintulutang mag-take off ang mga eroplano.

Ayon sa Federal Aviation Administration (FAA), ipinatupad ang naturang hakbang dahil sa “extraordinary circumstances” at bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga pasahero at flight operations.

Batay sa paunang impormasyon, posibleng may kaugnayan ang nationwide ground stop sa isang telecommunications outage.

Gayunman, nilinaw ni Homeland Security Secretary Markwayne Mullin na walang kinalaman ang insidente sa anumang banta sa seguridad ng bansa o sa Microsoft service outage.

Advertisement

Sa ngayon, wala pang inilalabas na malinaw na timetable ang mga awtoridad kung kailan tuluyang maibabalik sa normal ang operasyon ng mga paliparan.

Samantala, maaari pa ring payagang makaalis ang ilang departing flights, basta’t may koordinasyon at pahintulot mula sa FAA command center.

Advertisement