NAGA CITY- Kasalukuyan ng nagpapagaling ang Gobernador sa probinsya ng Quezon matapos itong mag positibo sa Coronavirus Disease.

Sa opisyal na pahayag ni Governor Danilo Suarez ng nasabing probinsya sinabi nito na agad itong sumailalim sa Rt-PCR Test noong Mayo 5, 2021 at lumabas ang resulta ng sumunod na araw.

Nabatid na mahigpit ngayong binabantayan ng mga doctor ang nasabing gobernador sa posibleng pagbabago sa kondisyon nito lalo pa dahil sa kanyang edad.

Samantala nanawagan naman ito sa mga taong posibleng nagkaroon ng close contact dito ng mga nakaraang araw na agad na mag self-quarantine at obserbahan rin ang sarili kung ito’y may sintomas ng nakakamatay na sakit.

Sa ngayon patuloy naman ang pagpapaalala ng Provincial Government ng Quezon na panatilihin ang pagsunod sa mga health protocols tulad nalamang ng pagsuot ng face mask at paghugas ng kamay upang makaiwas sa nakakamatay na virus.