NAGA CITY- Patay ang isang guro matapos atakihin sa puso sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Alyas Paul, 52-anyos at residente ng Brgy. Ilayang Dupay, sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang nasa school acquaintance party ang biktima sa isang hotel sa Diversion Road, Brgy. Domoit, nang bigla na lamang itong matumba at mawalan ng malay.

Agad naman humingi ng tulong ang mga school staff/personnel na nirespondehan naman ng mga tauhan ng BFP at sinubukang i-revive ang biktima ngunit wala na itong pulso at walang senyales ng paghinga.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Samantala, ayon sa mga magulang ng biktima, ang biktima ay may ventricular septal defect (VSD) – congenital heart defect.