Inaasahan ang ikatlong sunod na rollback sa presyo ng diesel sa susunod na linggo, kasunod ng galaw ng pandaigdigang presyo ng langis na naapektuhan ng tensiyon sa Gitnang Silangan.

Batay sa trading sa nakalipas na apat na araw, tinatayang bababa ng P8 hanggang P10 kada litro ang presyo ng diesel.

Gayunman, sa gasolina ay posibleng makaranas ng pagtaas na hanggang P1 kada litro o manatiling walang pagbabago ang presyo.

Ayon sa mga ulat, ang serye ng global oil price shocks na dulot ng umiigting na tensiyon sa Gitnang Silangan ang nakaapekto sa galaw ng presyo ng langis sa lokal na merkado.

Advertisement

May posibilidad pang magbago ang mga numerong ito depende sa magiging resulta ng trading sa pagtatapos ng linggo.

Karaniwan namang inaanunsiyo ng mga kumpaniya ng langis ang opisyal na price adjustment tuwing Lunes, at ipinatutupad ito kinabukasan, araw ng Martes.

Advertisement