NAGA CITY – Umakyat na sa 7,616 o katumbas ng 71% ang kabuuang bilang ng mga healthcare workers na nabakunahan gamit ang Sinovac at Astrazeneca vaccine sa Bicol Region.

Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH)-Bicol, napag-alaman na sa nasabing bilang, 2,652 ang mga nabakunahan na sa Camarines Sur, 320 sa Camarines Norte, 2,390 sa Albay, 637 sa Catanduanes habang 1,189 naman sa lalawigan ng Sorsogon.

Ang nasabing bilang ay galing sa kabuuang bilang na 10,783 na mga healthcare workers sa buong rehiyon.