Nanindigan ang Iran na dapat ipatupad ang pitong kondisyong hinihiling nito upang matuloy ang pakikipag-usap sa US.
Sinabi ni Parliament Speaker Mohammad Bagher Ghalibaf na hindi nagbabago ang kanilang posisyon laban sa US.
Kabilang sa mga kondisyon ang tuluyang pag-alis ng US sa mga pantalan ng Iran upang malayang makapaglayag ang bansa.
Advertisement
Tinawag din ni Ghalibaf ang mga banta at insulto ng US bilang senyales umano ng desperasyon ng Estados Unidos.
Si Ghalibaf ang chief negotiator ng Iran na nagsabing nakahanda ang kanilang bansa sakaling atakihin sila ng US.
Una nang sinabi ng US Treasury Department na bubuwagin nito ang mga ilegal na financial network ng Iran hanggang sa tuluyan itong masawata.
Advertisement








