NAGA CITY-Patay ang isang lalake sa Lucena City pagkatapos itong aksidenteng mabagsakan ng punongkahoy na Buli sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na si alyas John, 14 anyos, residente ng Purok Pagkakaisa II, Brgy. Ibabang Iyam, ng nabanggit na lungsod.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, pumunta aniya noong Mayo 26 ng alas-12 ng tanghali sa Lucena Component City Police Staton ang isang Enrique Ballares De Ramos upang ireport ang nabanggit na insidente.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, alas-3 aniya ng umaga sa kaparehong araw nang tulog ang biktima kasama ang pamilya nito sa kanilang bahay nang bumagsak ang punongkahoy sa kanilang bahay, rason upang tamaan nito ang biktima sa kanyang tiyan na kinamatay nito.

Sa ngayon, dinala na ang katawan ng biktima sa isang punerarya sa Dalahican Road, Brgy. Ibabang Dupay, ng nabanggit na lungsod para sa sa post-mortem examination.