NAGA CITY-Timbog ang isang lalake sa isinagawang buy-bust operation sa Mauban, Quezon.

Kinilala ang suspek na si alyas Jerald, 26 anyos, residente ng Brgy Sadsaran, Mauban, Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na inaresto aniya ang suspek pagkatapos na makabili dito ang poseur-buyer ng mga awtoridad ng isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Nang kinapkapan ang suspek, nakuha pa rito ang apat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang ilegal na droga.

May kabuuan naman aniya na bigat na 8.7 grams ang nakumpiskang pinaniniwalaang ilegal na shabu at nagkakahalaga ng ₱177,480.

Sa ngayon, dinala na ang suspek sa Mauban Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.