CAMSUR- Narescue ang isang lalaki na anim na araw nang nawawala sa ibaba ng bangin sa Presentacion, Camarines Sur.

Kinilala ang lalaki na si Michael Alferez De La Cruz 42 anyos at residente ng Brgy. Camagong San Jose, sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, bandang alas 5:00 ng hapon, kahapon Hunyo 19, 2025, isang report ang natanggap ng Presentacion Municipal Police Station hinggil sa isang lalaki na sugatan sa ibaba ng bangin sa bahagi na porsyon sa tabi ng kalsada sa Barangay Bicalen, sa naturang bayan.

Agad naman itong nirespondehan at tinulongan ng kapulisan kasama ang mga residente ng barangay gayudin ang mga personahe ng MDRRMO Presentacion.

Advertisement

Ang naturang biktima ay una nang napaulat na nawawala nitong Hunyo 13.

Ayon umano sa salaysay ng biktima, nitong Byernes habang siya ay nagmamaneho ng kanyang motorsiklo sa pababa at kurbadang porsyon ng nasabing kalsada nang hindi nito nakontrol ang preno, dahilan upang ito ay maaksidente at mahulog sa bangin na nasa 20-30 metro ang lalim.

Samantala, agad naman itong dinala sa pinakamalapit na ospital para sa atensyong medikal.

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang Presentacion Municipal Police Station sa mga motorista na mag-ingat sa kanilang pagmamaneho at magin vigilante lalo na sa mga lugar na hindi kabisado ang daan upang makaiwas sa kahalintulad na pangyayari.

Advertisement