NAGA CITY- Sugatan sa pang-aambush ang dalawa katao kasama na ang isang judge sa bayan ng Libmanan Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktima na si Jeaneth Gaminde San Joaquin, 46-anyos, RTC Judge ng Branch 56 sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur at resident sa Brgy. Tinago, Naga City, habang ang isa naman ay kinilalang aide ng nasabing judge na si Rocelle S. Martinez, 34-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) napag-alaman na habang papunta sa lungsod ng Naga ang nasabing mga biktima sakay ng kanilang saksakyan ng bila nalamang umano itong tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Nabatid na gamit ang dipa malamang uri ng baril ay pinaulanan umano ng mga suspek ang sasakyan ng mga biktima resulta upang mag tamo ng tama sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga ito.

Agad namang dinala sa Libmanan District Hospital ang mga biktima para sa asistensya medikal.

Sa ngayon nagpapatuloy na ang isinasagawang Pursuit operation ng mga otoridad para sa pagkaka aresto sa naturang mga suspek na agad namang nakatakas matapos ang nasabing krimen.