Ikinasal na ang Gilas Pilipinas star na si Kai Sotto at aktres na si Rere Madrid sa isang pribadong seremonya na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Isinagawa ang pag-iisang dibdib sa isang intimate event kung saan kapansin-pansin ang mahigpit na privacy ng magkasintahan sa kanilang espesyal na okasyon.
Matatandaang unang isinapubliko nina Kai at Rere ang kanilang relasyon noong Hulyo 2024 matapos ang ilang buwang usap-usapan sa social media.
Sa kasalukuyan, bumuhos naman ang pagbati mula sa fans at supporters ng dalawa matapos kumalat online ang balita ng kanilang kasal.
Advertisement
Advertisement














