NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang senior citizen sa Lucban, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Pablito Dayapan, 61-anyos, residente ng Brgy Tinamnan, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ang wala ng buhay na katawan ng biktima ng kanyang pamangkin sa loob ng abandonadong bahay kung saan ito nakatira.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman pa na ang biktima ang mayroong problema sa pag-iisip dahilan kung bakit inabandona umano ito ng kanyang mga kapamilya.

Samantala, napag-alaman pa na si Dayapan ay mayroong history ng Hypertension at wala namang nakitang foul play sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa nabanggit na insidente.