NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang senior citizen at pinaghihilaang nalunod sa Sitio Tawiran Barangay Rosario, Mauban Quezon.

Kinilala ang biktima na si Reynaldo Durante Sagunto, alyas Lando, 74-anyos, residente ng Sitio Anison Brgy. Rosario Mauban Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na pasado alas-8:30 nang gabi noong Marso 18 habang tumatawid ang isa sa mga residente ng nasabing lugar sa ilog ng makita nito ang katawan nang biktima na palutang-lutang sa nabanggit na ilog.

Agad naman sanang isinugod sa ospital si Reynaldo para sa asistensya medikal pero idineklara ring dead-on-arrival ng mga doktor.

Samantala, ayon naman umano sa mga kapamilya nang biktima mayroong history ng mental ailment si Reynaldo.

Ayon naman sa imbestigasyon ng mga awtoridad walang nakitang indikasyon na nagkaroon ng foul play sa nasabing insidente.

Pero upang makasiguro nag-request na ang mga awtoridad na isailalim sa autopsiya ang katawan ng biktima upang madetermina kung ano ang totoong dahilan sa pagkamatay nito.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan patungkol sa nasabing insidente.