Nag-debut ang K-pop girl group na KATSEYE sa Coachella Valley Music and Arts Festival, ngunit hindi nakasama ang member na si Manon na kasalukuyang nasa hiatus.
Ayon sa ulat, anim na miyembro sana ang grupo, ngunit lima lamang ang nagtanghal sa Sahara stage ng naturang music festival.
Pinangunahan nina Sophia, Daniela, Lara, Yoonchae, at Megan ang performance habang suot ang Y2K-inspired outfits.
Binuksan ng KATSEYE ang kanilang set sa kantang “Pinky Up,” kasunod ang “Debut,” “Mean Girls,” at “Touch.”
Nagkaroon din ng surprise collaboration nang sumama sa entablado ang Huntrix members—Ejae, Audrey Nuna, at Rei Ami—para sa performance ng kantang “Golden.”
Samantala, nananatiling naka-hiatus si Manon mula noong Pebrero, ngunit sinabi niya na nasa maayos siyang kalagayan at patuloy ang komunikasyon niya sa HYBE at Geffen Records.
Sa parehong festival, nag-perform din ang P-pop group na BINI, na nagmarka bilang kauna-unahang Filipino act sa Coachella.














