Photo © web

Pinuri ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sina Sen. Joel Villanueva at Sen. Francis “Chiz” Escudero matapos dumalo ang mga ito sa isinagawang Special Session ng Senado nitong Hunyo 17.

Ayon kay Lacson, mas pinili umano ng dalawang senador na unahin ang pagpapanumbalik ng kredibilidad at kaayusan sa Senado sa kabila ng umiiral na mga usaping pampulitika.

Dahil sa pagdalo nina Villanueva at Escudero, nakabuo ng 13 senador na quorum ang Majority bloc, na naging daan upang maisagawa ang regular session ng Senado sa pamumuno ni Sen. Win Gatchalian bilang Senate President.

Samantala, hiniling din ni Lacson na huwag na siyang italaga bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee. Aniya, sawa na umano siyang mawalan ng mga kaibigan dahil sa mga imbestigasyong isinasagawa ng komite at naniniwala siyang may iba pang mas angkop na mamuno rito.

Advertisement

Gayunman, sinabi ni Lacson na handa niyang tanggapin ang posisyon kung wala nang ibang senador na magnanais na manguna sa makapangyarihang komite ng Senado.

Advertisement