NAGA CITY-Inaresto ang isang suspek sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City, Quezon.

Kinilala ang suspek na si alyas Chor, 41-anyos, residente ng Brgy. Poblacion, Padre Burgos, Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili sa suspek ang poseur-buyer ng isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu gamit ang ₱1,000 bilang buy-bust money.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nakumpiska pa sa suspek ang isang sling bag na may laman na tatlong piraso pa ng heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang ilegal na droga.

Sa kabuuan, kinakalkulang nasa 25.05 grams ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska sa suspek at nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱511,020.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek at mahaharap sa kasong pag-labag sa Republic Act 9165.