NAGA CITY- Arestado ang isang suspek matapos marekober dito ang nasa P51,000.00 na halaga ng pinaniniwalaang shabu sa Naga City.

Kinilala ang suspek na si Ricky Dela Torre, 47-anyos, residente ng Brgy. Bagumbayan Sur sa naturang lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, napag-alaman na kasali si Dela Torre sa City Recalibrated Priority Database on Illegal Drugs.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na tinatayang nasa 7.5 grams ang timbang ng dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu na nakumpiska sa suspek.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.