NAGA CITY – Dead on the spot ang isang lalaki matapos ang insidente sa kalsada sa parte ng Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Teodolo Coronel Arzadon, 64-anyos, residente ng Brgy. Bignay Uno, Sariaya, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang binabaybay ng nasabing biktima gamit ang motorsiklong kanyang menamaneho ang kahabaan ng Candelaria San Juan Road, Brgy. Sta. Catalina Sur sa nasabing probinsya patungo San Juan Batangas, habang binabaybay rin ng isang van na minamaneho ni Jayson Villanueva Datar, 49-anyos, residente ng Brgy. Fortune, Marikina City ang kabilang linya.

Dito naman, nagkabanggaan ang dalawa na nagresulta sa agarang pagkamatay ni Arzadon dahil sa dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.