NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos malunod sa karagatang sakop ng Infanta, Quezon.

Kinikilala ang biktima na si Joel Salazar Labasan, 44 taong gulang, residente ng Brgy. Dinahican, sa naturang bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang sakay ng bangka kasama ang kapwa mangingisda ng nagtungo ang biktima sa likod na bahagi ng naturang sasakyang pandagat para magbawas. Ngunit aksidenteng nawalan ng balanse at nahulog sa tubig at nadala ng malakas na alon ng karagatan na naging resulta ng pagkalunod nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na sinubukan pa sana itong i-rescue at i-revive ngunit tuluyan na itong binawian ng buhay.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa insidente.