NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos magpatiwakal sa Tayabas City.

Kinilala ang biktima na si alyas Ryan, 23-anyos, residente ng Brgy. Ibabang Ilasan, Tayabas City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ang wala ng buhay na katawan ng biktima ng kanyang mismong Ina na nakabigti sa kusina ng kanilang bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na isinailalim rin sa post mortem examination ang bangkay ng nasabing biktima at patuloy rin ang imbestigasyon ng mga kapulisan upang malaman kung mayroong nangyaring foul play sa insidente.