NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos malunod sa Brgy. Lerma sa lungsod ng Naga.

Kinilala ang biktima na si Nestor, 34-anyos, residente ng Canada St., Brgy. Concepcion Pequena, Naga City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office napag-alaman na bago ang insidente ang biktima ang nasangkot sa isang kaguluhan kasama ang hindi pa nakikilalang mga indibidwal sa Brgy. Dinaga, sa nasabing lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na ang biktima ay hinabol pa umano papunta sa Brgy. Lerma at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay nahulog sa Panganiban Bridge papunta sa Naga River na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa nasabing insidente.