NAGA CITY – Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang isa pa matapos na bumangga ang isang foton sa van sa Brgy. Mayao Silangan, Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Merlito Reyes, 47-anyos, residente ng Perez, Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Nag sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang may ginagawa ang biktima sa isang truck na minamaneho ni Adrian Orlinga, 36-anyos, residente ng Brgy. Iba. Kinagunan, Padre Burgos ng mabanggaan ito ng paparating na foton van na minamaneho naman ni Nestor Jaspio De Mesa, 50-anyos, residente ng Purok Pagsisikap, North Employees, brgy. Gulang-gulang, Lucena City ang kanang parte ng nasabing truck.

Matapos na bumangaga sa truck, nabangaan din nang nasabing foton van ang biktima. Dahil sa pangyayari, natumba sa kalsada ang biktima at nagkaroon ng seryosong head injury na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Habang na stuck naman ang driver ng van sa driver’s seat na agad namang dinala sa ospital para sa tulong medikal.

Sa ngayon, hinahanda na ang kasong isasampa kontra sa driver ng nasabing foton van.