NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin sa Barangay Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Jayro Kim Jerald Tarala Chavez, 27-anyos, residente ng Sitio Arco Maloles, Barangay Sta. Catalina Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang nakaupo ang biktima sa harap ng kanilang bahay nang bigla nalang dumating ang hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril ito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Samantala, narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang pitong fired cartridge cases ng caliber 9mm na baril.

Sa ngayon patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang pagtunton sa pagkakakilanlan ng suspek.