NAGA CITY-Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Jerome Gonzales Dumdumaya, 42-anyos, residente ng Sitio Looban Brgy. Lutucan Malabag sa nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na kinompronta umano ng biktima ang suspek na si Mabolito Alvarez, residente ng nasabing lugar, patungkol sa naunang argumento ng suspek at asawa nang biktima.

Kung saan sa gitna ng diskusyon ni Dumdumaya at Alvarez, bigla na lamang pinagbabaril nang suspek ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na nagtamo nang mga tama ng bala nang baril si Dumdumaya sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Napag-alaman pa na agad naman sanang isinugod sa ospital ang biktima pero ideneklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Nakuha pa sa pinangyarihan ng krimen ang apat na fire cartridge cases ng caliber 9mm na badil.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad lalo na ang paghahanap sa posibleng kinaroronan ng suspek.