NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki habang palutang-lutang sa ilog na sakop pa ng Sitio Tumpac, Barangay Sua, Camaligan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Rommel Butial, 37-anyos, residente ng Barangay Triangulo, Naga City.

Ayon kay PLt. Arnel Azania, Deputy Chief of Police (DCOP) ng Camaligan MPS, kinilala ang naagnas ng katawan ng biktima sa tulong ng ID na nakuha ng mga rescuer.

Dagdag pa ni Azania, pagkalunod ang naging dahilan ng kamatayan nito at wala namang nakitang inflicted trauma sa biktima.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigayon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.