NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki habang isinugod naman sa ospital ang isa pa sa Brgy. Macalamcam-B, Rosario, Batangas.

Kinilala ang binawian ng buhay na si Andres Vallejo Reyes, 24-anyos, residente ng nasabing lugar, habang dinala naman sa ospital si Juan Alday Kasilag, 47-anyos, residente naman nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na binaril umano ng hindi pa nakikilalang suspek ang biktima sa ilog na boundary ng Brgy. Callejon, San Antonio, Quezon at Brgy. Macalamcam-B, Rosario, Batangas.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing pangyayari lalo na ang pagtunton sa posibleng pagkakakilanlan at kinalalagyan ng suspek.