NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa may niyogan sa Barangay Bacong Alabat Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Ronnie, 59-anyos, isang PWD, at residente ng Barangay Villa Victoria sa nasabing lalawigan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na walang ng buhay nang matagpuan ang katawan ng nasabing biktima sa taniman ng niyog na pag-aari ng isang Alex Sollestre na matatagpuan sa nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, ayon sa ama ng Biktima na kinilalang si si alyas Edim, umalis sa kanilang bahay ang biktima na noong Setyembre 17, 2024 ng umaga at hindi na bumalik simula noon.

Dagdag pa ng ama, may depresyon at mental disorder ang biktima at umaalis sa kanilang bahay nang walang pasabi at gumagala sa karatig barangay.

Samantala, imbestigasyon pa ng mga awtoridad ay walang nakitang indikasyon ng foul play sa katawan na maaaring maging sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigahan ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente.