NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang isang lalaki sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Pedro Camay Brigole Jr., 45-anyos, residente ng Purok 7 Sta. Teresa. Brgy. Dalahican, sa nasabing lungsod.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lang sa loob ng kaniyang bahay ang biktima na wala ng buhay nang isang Julius Mendoza Zartin habang nakahiga sa kaniyang kama.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na huling nakita na buhay si Brigole noong Agosto 1, 2023 pa. Ayon pa sa imbestigasyon, walang sinuman na kasama ang biktima at madalas na umiinom ng alak.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente.