NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos ang nangyaring banggaan ng dalawang motorsiklo sa Agdangan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Virigilio Salagubang 67-anyos residente ng Brgy. Ibabang Kinagunan sa nasabing lugar.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, sinasabing nawalan umano ng kontrol sa kanyang sasakyan ang suspek na si Renz Harry Ambray 19-anyos hanggang sa bumangga ito sa kasalubong na motorsiklo na minamaneho ni Salagubang.

Kaugnay nito, tumilapon si Salagubang na nagtamo ng malalang tama.

Dahil dito, agad namang isinugod sa ospital si Salagubang subalit idinakelara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad an suspek para sa karampatang disposisyon.Top