Sugatan ang isang lalaki matapos na pagtatagain sa Goa, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Ely Bermejo, 44-anyos, residente ng Sitio Contod Barangay Tabgon sa nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Police Regional Office (PRO)-V, napag-alaman na nagkaroon ng mainit na argumento ang biktima at ang suspek na si Joey Juarez, 31-anyos, residente naman ng nasabing lugar, nang bigla na lang umano na kumuha ng bolo ang suspek na naging dahilan upang tumakbo pauwi ang biktima sa kanila.

Matapos umuwi, agada naman umano na kumuha ng air gun si Bermejo at pumunta sa suspek.

Ngunit, dahil dito, agad na pinuntahan ni Juarez ang biktima at saka pinagtataga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nagtamo ng iba’t-ibang sugat sa kanyang katawan si Bermejo dahil sa nasabing insidente.

Sa kabila nito, sinubukan pa sana ng magulang ng suspek na itago ang anak ngunit natunton naman agad ito ng mga otoridad matapos ang hot pursuit operation.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad si Juarez para sa mga karampatang kaparusahan.