NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos pagsasaksakin sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Maximo Ranillo Daleon, 52-anyos, residente ng Purok Camia, Silangang Mayao ng naturang lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nag-away sa loob ng junkshop na pagmamay-ari ng biktima ang suspek na si Domingo Mondejar alias Inggo, 47-anyos, at ang kalive-in partner nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing sinigawan ng mga nito ang biktima at dahil sa galit ng suspek, dito na ito kumuha ng kutislyo at sinaksak ang biktima.

Dahil dito, nagtamo ng saksak sa kaniyang dibdib si Daleon na agad naman na dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente gayundin ang pagtunton sa nakatakas na salarin.