NAGA CITY- Nakatakdang dalhin sa huling hantungan ang mga labi ng ina ni Vice Presidente Leni Robredo sa Naga City ngayong araw.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, napagalaman na pasado 3:30pm mamayang hapon ang nakatakdang libing ng dating Dean na si Salvacion “Sally”Gerona sa Eternal Garden.

Bago ito, isasagawa muna ang huling misa sa Basilica Minore of Our Lady of Penafrancia.

Una ng ibinurol ang ina ng Bise Presidente sa Eternal Chapels and Mortuary, Eternal Gardens sa Balatas Road Naga City, kung saan binuksan lamang ito sa publiko.

Habang ilang mga kaibigan ng pamilya at malalaking tao rin ang madalas bumisita at nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya.

Kung maaalala, una nang naconfine sa Mother Seton Hospital sa Naga City si Gerona dahil sa iniindang sakit na iniwasang isapubliko ng pamilya Robredo.

At binawian ng buhay noong Pebrero 22, 2020 araw ng sabado.

Si Gerona ang asawa ng dating Regional Trial Court Judge na si Antonio Gerona.

Naging Dean ito ng College of Education at Gradute school hanggang sa naging Vice President for Academics ng Universidad De Sta. Isabel, Naga City.