NAGA CITY- Tinitingnang anggulo ngayon ang pagkakaroon ng local transmission na dahilan ng mabilis na pagkakahawaan ng COVID-19 sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mayor Ed Severo, sinabi nito na karamihan sa naitatalang transmission ay mula lamang sa magkakamag-anak.

Aniya, higit pang napansin ang hawaan matapos ang mga isinasagawang pagtitipon-tipon tulad na lamang ng mga handaan at inuman.

Dagdag pa ng alkalde, nakukuha umano ang nasabing virus hindi lamang sa mismong bayan kundi karamihan sa mga Authorized Person Outside Residence (APOR).

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang contact tracing ng LGU Calabanga sa mga naging close contact ng sampo katao na nagpositibo sa COVID-19.

Sa ngayon, wala namang naitatalang bagong nagpositibo sa COVID-19 maliban na lamang sa huling naiulat noong isang a