NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang isang lolo matapos magpatiwakal sa puno ng Aratelis sa Brgy Sildora, Agdangan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Virgillo Narcolis, 76-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na huling nakita ang biktima sa pagitan ng alas-4 hanggang alas-5 ng hapon noong Pebrero 19, ng kasalukuyang taon.

Ngunit, kinaumagahan, nang nakita na lamang itong nakabitay na sa naturang puno sa sakahan na pagmamay-ari ng kapatid nito.

Samantala, ayon sa pamilya ng biktima, nakakaranas ito ng depresyon at una rito, naging sensitibo na ito nitong mga nakalipas na araw.Top