Niyanig ng lindol na may lakas na Magnitude 4.4 ang bahagi ng lalawigan ng Aurora kaninang 5:07 ng umaga.
Ayon sa mga ulat, natukoy ang epicenter sa 16.11°N, 121.82°E, na nasa 15 kilometro timog-kanluran ng Dinalungan, Aurora, na may lalim na 10 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity II sa Casiguran, Aurora, habang Intensity I naman sa Baler at San Luis, Aurora.
Wala namang naitalang pinsala sa mga nabanggit na lugar.
Advertisement
Gayunman, patuloy ang paalala sa publiko na maging maingat sa posibleng aftershocks na maaaring maranasan sa mga susunod na oras.
Advertisement














