NAGA CITY- Patay ang isang magsasaka matapos makidlatan Perez,Quezon.

Kinilala ang biktima na si Jose Manago Anglo, 59-anyos, residente ng Brgy Mainit Norte, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang nagpapahinga ang biktima sa isang coconut plantation sa nasabing lugar habang bumubuhos ang malakas na ulan nang tamaan ito ng kidlat na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Kaugnay nito ay nagpaalala naman ang mga opisyal na kapag nakakaranas ng ganitong kondisyon ng panahon, ay mas mainam na iwasang gumamit ng mga bagay na posibleng makapag-attract sa kidlat, upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.