NAGA CITY – Sinibak na sa pwesto ang lahat ng mga tauhan ng Bamban Municipal Police Station sa Tarlac.
Ito’y matapos ipatupad ang suspensyon ng Office of the Ombudsman kay Mayor Alice Guo.
Ayon sa mga report sa Camp Crame, aabot sa mahigit 50 mga pulis ang inalis sa kanilang mga pwesto.
Samantala, dumating na rin sa lugar ang mga pulis na pumalit sa kanilang pwesto.
Ang nasabing mga pulis naman ay galing sa ibang bayan ng Tarlac na umano’y malayo sa impluwensya ni Mayor Guo.
Hindi naman kasama sa sinibak sa pwesto ang hepe ng Bamban Police dahil kakaupo pa lamang nito sa pwesto matapos ang isinagawang raid sa POGO.