NAGA CITY – Kumpiskado ang mahigit P1-M na halaga ng iligal na droga mula sa dalawang drug personality sa ginawang buybust operation sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na sila Rommel Cataroja, 31-anyos, at Rose Ann Oabel, 24-anyos, parehong residente ng Brgy. Dalahican, Lucena City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na nakabili ang nagpamalo-malong posuer buyer ng isang plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalagang nasa P2,000. Nakuha pa sa mga ito ang isang sling bag na mayroong laman na 12 pidaso nang plastic sachet ng shabu, at isang unit ng cellphone. Sa kabuohan, mayroon kaboohang bigat na 56 grams ang mga nakumpiska na iligal na droga at nagkakahalagang nasa P1,142,400.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.