NAGA CITY- Nakumpiska ang mahigit P2.5 milyon na halaga ng pinaghihinalaang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad laban sa dalawang suspek sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina Michael Malasma Dakila, 42-anyos, residente ng Sitio Bungahan, Brgy. San Isidro at Leovernie Montenegro Quitain, 38-anyos, residente ng Sedenio St., Brgy. Poblacion sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon nang Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili nang isang sachet ng iligal na droga ang nagpanggap na posuer buyer mula sa mga suspek sa halagang P15,000.

Maliban sa nabanggit na buy bust item, narekober pa sa mga ito ang 14 sachet nang pinaghihinalaang shabu.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na aabot sa humigit kumulang 123.7 grams nang nasabing iligal na droga na nagkakahalaga ng nasa P2,523,480.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang kaparusahan.