Kumpiskado ang mahigit sa P1million ng pinaniniwalaang shabu sa 2 suspek sa matagumpay na buybust operation ng mga otoridad bandang 3:30pm Nobyembre 22, 2026 sa Zone 5 Brgy. Binalay Tinambac Camarines Sur.
Kinilala ang mga suspek na si alyas “Fren” , 43 years old, mangingisda, at si alyas ” Lapatok”, 37 years old, kapwa residente ng Zone 1 Brgy. Sogod sa nasabing bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCpt Jefrey Escolano , ang Acting Chief of Police ng Tinambac MPS, sa pagtutulungan ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5, Tinambac MPS, PIU/ PPDEU, at sa koordinasyon ng PDEA ROV, naaresto ang dalawang suspek matapos makabili ang poseur buyer ng isang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na may laman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na (50) grams kapalit ng Php 100,000.00 na boodle money kasama na ang isang piraso ng genuine P500-peso bill bilang buybust money.
Isa pang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ang nakumpiska ng mga otoridad kay alyas “Fren” at isang pirasong plastic sachet naman na may lamang pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska kay alyas “Lapatok”.
Kinakarkulong aabot sa One Million twenty Thousand Pesos ( Php 1,020,000.00) ang halaga ng shabung nakumpiska sa 2 suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Dagdag pa ng opisyal, dati ng nakulong si alyas “Fren” sa kaparehas na kaso noong 2019 at taong 2022.














