NAGA CITY – Kumpiskado ang mahigit P1-M na halaga ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang buy bust operation sa Purok Bagong Silang, Brgy. Cotta, Lucena City.

Kinilala ang mga suspek na sina Diego Llagono, 38-anyos, residente ng Laonzonesan 2, Brgy. Ilayang Talim, at Maricel Bulfa, 49-anyos, residente naman ng Purok Isla Matahimik, Brgy.Cotta, sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ang nagpaanggap na posuer buyer sa mga suspek ng isang heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu gamit ang P1,000 bilang buy bust money.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman din na nakumpiska pa sa mga suspek ang siyam na heat-sealed transparent plastic sachet ng nasabing iligal na droga na may bigat na 50 grams at nagkakahalaga ng humigit-kumulang P1,020,000.

Sa ngayon, nasa kostudiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.