NAGA CITY- Patay ang isang menor de edad na babae matapos magbigti sa San Francisco, Quezon.

Ang nasabing biktima ay residente ng Brgy. Mabunga, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na napagalitan ang biktima ng kaniyang ina dahilan upang umalis ito ng kanilang bahay.

Ngunit sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, mababatid na natagpuan na lamang ang menor de edad ng kaniyang kapatid na nakabigti na sa isang puno ng kahoy.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang sinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa nasabing insidente.