NAGA CITY- Patay ang isang menor de edad na lalaki matapos tamaan ng kidlat sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na isang 11-anyos, residente ng 3B, Ibaba, Brgy. Dalahican, sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang naliligo sa dagat ang biktima ng ito ay aksidenteng tamaan ng naturang kidlat.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na agad rin sanang isinugod ng kaniyang kapatid na babae ang biktima sa pagamutan pero sa kasamaang palad idineklara rin itong dead on arrival ng mga otoridad.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.