NAGA CITY- Patay ang isang menor de edad na lalaki matapos magpatiwakal sa Guinayangan, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nadiskubre na lang ng ina nito ang biktima ang katawan ng menor de edad habang nakabitay at wala ng buhay sa loob ng bahay ng kanyang lolo at lola sa Barangay Manlayo sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing dahil sa hindi nakumpletong modules ang nag-udyok sa biktima na wakasan ang sariling buhay.

Samantala, nilinaw naman ng mga awtoridad na walang nangyaring foul play sa insidente.