NAGA CITY-Patay ang isang menor de edad na babae matapos magpatiwakal sa San Francisco, Quezon.

Kinilala ang biktima na residente ng Brgy. Ilayang Tayuman, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ang wala ng buhay na katawan ng biktima ng kanyang mismong kapatid na nakabigti sa loob ng kanilang bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na bago ang insidente magkatabi pa umanong natulog ang biktima at ang kanyang kapatid sa loob mismo ng kanilang bahay.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan patungkol sa nasabing insidente.