NAGA CITY- Patay ang isang 17-anyos na lalaki matapos na masuntok sa lalamunan ng kaklase sa Guinayangan, Quezon.

17-anyos na biktima

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nag-overnight umano ang biktima kasama ang kaniyang mga kaibigan sa Montecalvo Beach Resort sa Barangay Dancalan Central sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing ginigising ng biktima ang kaibigan nitong si Warren Atienza De Guzman, 19-anyos, na nasa ilalim ng impluwensiya ng alak, para ayain nang umuwi.

Ngunit, tila naalimpungatan umano ang suspek kung kaya aksidente nitong nasuntok ang lalamunan na bahagi ng biktima dahilan upang mawalan ito ng malay.

Suspek na nakasuntok sa kaibigan

Matapos ang insidente, agad naman na dinala sa ospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.