NAGA CITY- Patay ang isang menor de edad matapos pagsasaksakin sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na isang 15-anyos na lalaki, residente ng 225 Sto Rosario Barangay 4 sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na naglalakad ang biktima kasama ang kaibigan nito sa kahabaan ng Mechant St ng bigla na lamang sumulpot ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek.

Sinubukan ng mga suspek na hablutin ang cellphone ng biktima ngunit nahulog ito sa kalsada dahil para nabigo ang mga suspek sa gagawin sanang krimen.

Kaagad na tumakas ang mga suspek matapos ang insidente ngunit hinabol ito ng biktima at ng kasama nito.

Nang makarating sa Edaño St Barangay 9, dito na nadakip at sinaktan ng dalawang menor de edad ang isa sa mga suspek ngunit armado pala ito ng patalim kung kaya nasaksak sa kaliwang bahagi ng dibdib ang 15-anyos na biktima.

Sinubukan pa sanang dalhin sa pagamutan ang biktima ngunit ideniklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Patuloy pa ang ginagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa posibleng pagkakadakip ng mga nakatakas na mga suspek.